Siniguro ng isang private company na mga manggagawang Pinoy ang kukunin sa pagtatayo ng $3.5-billion Makati City subway project.
Sinabi ni Philippine Infradev president and CEO Antonio Tiu, nasa 10,000 katao ang kanilang kukunin para sa pagtatayo ng subway system.
“There is a provision of technical knowledge transfer where within a few years our local people will be able to step in,” should there be instances wherein foreign workers with the required technical skills will be brought in,” ani Tiu.
Nitong Martes nang lumagda sa ilalim ng public-private partnership agreement sina Tiu at Makati City Mayor Abby Binay.
Sa ilalim nito, sasagutin ng kompanya ang konstruksyon, operasyon at management ng subway system sa loob ng 50-taon.
Ayon kay Tiu, Kung walang mangyayaring aberya ay matatapos ang proyekto sa taong 2025.