Ibinulgar ngayon nang nagdisenyo sa mga medalyang mapapanalunan ng mga atleta sa 30th Southeast Asian Games (SEA Games) na ang gumawa nito ay magagaling na mga Pinoy workers na naging bahagi na rin ng Olympics.
Ipinagmalaki ni Daniel dela Cruz, ang siyang nagdisenyo sa mga SEA Games medal at gagamiting torch o flame, magagaling ang gumawa ng mga medalya at hindi magpapahuli ang mga Pinoy sa mga dayuhan.
Ang mga ito aniya ay gumawa na rin ng medalya para sa Olimpiyada.
Ayon kay De la Cruz, masasabing “interesting” ang pagkadisenyo niya sa gold, silver at bronze medals dahil hinangad niya na ang konsepto ay magrerepresenta sa Southeast Asian community.
Makikita rin daw dito ang sagisag ng katubigan, modernong hugis ng paglalayag ng bangka, at ang SEA Games logo.
Kuwento pa ng metal sculptor na si Daniel, nakaka-proud ang kinalabasan ng SEA Games medal na nakatakdang ilunsad sa isang programa sa mga susunod na linggo.
Mistula raw nagpaligsahan ang gumagawa ng mga medalya sa Pilipinas at pagkatapos nito ang pinakamagandang resulta ang siyang naatasan na gumawa ng mga SEA Games medals.