-- Advertisements --

Inaasahang lolobo ngayong taon sa mahigit 300,000 ang bilang ng mga documented workers sa United Arab Emirates.

Ito ang naging pahayag ni Labor Sec. Silvestre Bello III, kasunod ng nagpapatuloy na Philippine expo sa Dubai.

Marami kasing kompaniya ang malaki ang interes na kumuha ng Pinoy workers, hindi lamang sa UAE, kundi maging sa mga karatig na lugar sa Middle East.

Sa pagtatanong ng Labor secretary sa mga OFW, sinabi ng mga ito na maganda naman ang trato ng kanilang employers, kumpara sa ibang mga bansa.

Nabatid na pinag-aagawan sa UAE ang mga Pinoy healthcare workers, kaysa sa ibang mga lahi.