BAGUIO CITY – Patuloy pa rin sa paghihintay ng tulong ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Vietnam nga apektado sa krisis na dulot ng coronavirus outbreak.
Sa ulat ni Bombo International Correspondent Dahlia Nacor, English Teacher sa Vietnam at tubo ng Baguio City, sinabi niyang maraming Pinoy workers sa Vietnam ang apektado ng krisis na resulta ng COVID 19.
Sinabi niyang nagiging hamon din sa ilang OFWs ang pagpapadala nila ng tulong sa kanilang kapwa Pinoy sa labas ng Hanoi kasunod ng pagsasara ng nasabing llugar, kayat namamahagi na lamang sila ng pera sa pamamagitan ng bank transfer.
Gayunpaman, sinabi niyang kulang na kulang pa rin ang natatanggap nilang cash donations para sa mga pinaka-apektadong Pinoy sa Vietnam.
Sinabi niyang sapat lamang sa lima hanggang anim na araw ang mga naipamahaging food packs sa mga Pinoy kayat problema nila ang maipapamahagi sa mga susunod na araw.
Dahil dito, hinihikayat ni Nacor ang mga may kayang tumulong na mamahagi ng kanilang sweldo para sa mga Pinoy workers sa Vietnam na hindi naabot ng mga ipinamamahaging food packs.