BUTUAN CITY – Expected na ng pamilya Cello at Lape dito sa Butuan City na makakakuha ng gold medal ang 11-anyos na si Airielle Ashley Lape sa sinalihan nitong Arnis – Individual Espada Y Daga elementary girls division dahil dedicated ilto sa kanyang training simula nang pasukin niya ito nitong nakalipas na taon.
Ayon kay fish vendor Margie Cello, lola at syang nagpapalaki sa batang atleta, tutulong sa kanya si Airielle sa pagtitinda ng isda sa merkado sa panahong wala itong klase at training.
Palagi umano niyang itinuturo sa bata na uunahin ang pagdasal bago suabak sa kompetisyon upang makamit ang pinapangarap na tagumpay.
Sa ngayo’y naghahanda na rin ang kanyang apo para sa sasalihang Pinoy Youth Games o Batang Pinoy na gaganapin sa Baguio City sabay pahayag na palagi silang nakasuporta sa bata saan man siya dadalhin ng kanyang mga pangarap gaya ng pagsali sa ninanais nitong Southeast Asian o SEA Games.