ILOILO CITY – Naghahanda na ang mga Pinoy sa Afghanistan para sa gagawing repatriation matapos maagaw ng Taliban ang presidential palace sa capital ng bansa na Kabul.
Ayon kay Bombo international correspondent Joseph Glenn Gumpal at finance director ng isang security company at presidente rin ng Samahan ng mga Pilipino sa Afghanistan, sinabi nito na umaabot sa mahigit 170 ang mga Pinoy sa nasabing bansa.
Aniya, sa Agusto 24 pa nakatakdang umuwi sa Pilipinas ang unang batch ng mga Pinoy mula sa Afghanistan.
Sa ngayon anya wala na silang mahihingan ng tulong dahil maging ang militar sa Afghanistan ay itinurn-over na ni President Ashraf Ghani sa Taliban bago ito lumipad sa Tajikistan upang maiwasan na may masaktan o magbuwis ng buhay.
Ang mga Taliban na rin anya ang namumuno na sa checkpoint.