Lalo pang lumubo ang halaga ng pinsalang iniwan ng malawakang pagbaha sa sektor ng pagsasaka.
Mula sa mahigit P203 million na ulat kahapon ng Department of Agriculture – Disaster Risk Reduction Management Operations Center, umabot na ito sa P251.21 million sa ngayon.
Umabot sa 11,003 farmers ang na-validate na naapektuhang magsasaka, habang ang production loss ay tinatayang aabot sa3,437 metriko tonelada.
Kabuuang 12,764 ektarya naman ang natukoy na lawak ng mga nasirang pananim.
Ang datus ay nalikom mula sa mga DA Regional Field Offices (RFOs) in Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western and Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Soccsksargen at Caraga regions,
Kabilang sa mga naapektuhan ay ang mga palayan, maisan, tanima ng high value crops, at livestock.
Sa kasalukuyan, nagsasagawa pa rin ang DA ng validation sa mga apektadong lugar upang matukoy ang akmang tulong na ipapamahagi sa mga apektadong magsasaka at agad makabangon ang mga ito mula sa epekto ng malawakang pagbaha.