-- Advertisements --
Nagdulot ng pagkaputol ng suplay ng kuryente at pagguho ang ilang mga gusali ang malakas na 5.6 magnitude na lindol na tumama sa Albania.
Sa datos mula sa US Geoligical Survey, naitala ang sentro ng pagyanig sa layong 40 kms sa kanluran ng kabisera ng bansa na Tirana.
May lalim lamang ang nasabing lindol na 10 kms.
Batay sa mga ulat, nasa dalawang katao ang bahagyang nasugatan, at ilang mga bahay ang gumuho sa bayan ng Helmes na 10 kms ang layo mula sa kabisera.
Maliban sa pagkabasag ng mga bintana, nagkaroon din ng bitak ang mga gusali sa Durres, maging sa kapitolyo.
Naputol din ang linya ng kuryente at telepono sa Tirana, at sa ilang mga karatig-lugar. (AFP)