(Update) TUGUEGARAO CITY – Tumataas ang halaga ng pinsalang iniwan ng mga pagbaha sa Cagayan sa sektor ng agrikultura.
Sinabi ni Danilo Benitez ng Office of the Agriculture (DA), sa ngayon ay nasa mahigit P180 million na ang nailatang danyos sa mga pananim sa palay, mais at iba pang pananim.
Ang pinakamalaki ay sa palay na P99 million at sa fisheries na mahigit P15 million.
Ayon sa kanya, partial pa lang ang mga ito mula sa mga nakakalap nilang datos mula sa 15 bayan na binaha.
Sinabi niya na hindi pa kasama rito ang mga naanod na mga alagang hayop tulad ng mga baboy, kalabaw, baka at iba pa.
Kaugnay nito, sinabi ni Benitez na may ibibigay na tulong ang mga ahensiya para sa mga magsasaka na nasira ang kanilang mga pananim dahil sa nasabing kalamidad.