CEBU CITY – Aabot na sa halos P80 million ang pinsala ng kasalukuyang El Niño phenomenon sa probinsya ng Cebu.
Ito ang iniulat ni Baltazar Tribunalo Jr., head ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO).
Basi sa naitalang pinsala, nangunguna ang ang isla ng Bantayan na may P24 million damages.
Sumunod ang bayan ng Compostela na may P14.3 million damages.
Pumangatlo ang Tabuelan na umabot naman sa P8 million damages habang ang bayan ng Daanbantayan naman ay umabot sa P6.3 million ang pinsala.
Samantala P4 million ang damage na naitala sa bayan ng Sante Fe.
Sinabi ni Tribunalo na validated report na umano ito na galing pa mismo sa mga LGU’s na nagsumite ng kanilang damage report.
Kaya naman hinikayat ng PDRRMO ang iba pang LGU na magdeklara na ng state of calamity para magamit ang kanilang quick response program para sa mga labis na naaapektuhan ng init ng panahon lalong lalo na ang farmers at fisherfolks.