-- Advertisements --
Photo courtesy of Greenpeace USA

Lumago pa umano sa P4.5-bilyon ang halaga ng nasirang mga pananim at apektadong mga livestock dahil sa matinding init ng panahon.

Sa ulat mula sa Department of Agriculture-Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (DRRM), ito raw ay mas mataas ng 227.06 porsyento kumpara sa una nilang pagtataya na P1.3-bilyon.

Ilan din umano sa mga pinakaapektadong lugar sa bansa ay ang Bicol Region, Bangsamoro Region, Region 10, Region 4-B at Region 7.

Sa pangkalahatan ay nakapagtala na raw sila ng 233,006 metric tons ng mga nasirang pananim dulot ng El Nino phenomenon.

Asahan na rin umano na mas lalaki pa ang pinsala sa sektor ng agrikultura ng El Nino na tatagal daw hanggang Hunyo.