-- Advertisements --
TUGUEGARAO CITY – Tinatayang aabot sa P79.5 milyong ang inisyal na tala sa pinsala ng magkasunod na lindol na yumanig sa Batanes nitong Sabado.
Ito ang tinanggap na ulat ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng lalawigan nang magtungo doon ang Pangulo kahapon.
Kinabibilangan ito ng 15 kabahayan na totally damaged, simbahan, paaralan at ilang establisyemento sa Itbayat na grabeng naapektuhan ng pagyanig.
Nagpapatuloy pa ang pagkalap ng impormasyon ng pamahalaan sa halaga ng pinsala na idinulot ng lindol sa lalawigan.
Nangako rin ang Pangulo ng pagkakaroon ng pantalan sa Itbayat at pagpapalaki ng pasilidad o runway sa Itbayat at Basco airport upang mapadali ang pagbibigay ng tulong sa isla.