-- Advertisements --

Pumalo na sa P10.5-bilyon ang naitalang pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa bagyong Quinta, Rolly, at Ulysses.

Sa kabila nito, sinabi ng Department of Agriculture na naglaan na sila ng P6-bilyon para sa mga magsasaka at mangingisda.

Ipinatupad din ang price freeze sa agricultural commodities at basic goods.

batay sa pinakabagong datos mula sa DA, nakasaad na umabot na sa P2.53-bilyon ang kabuuang pinsala ng bagyong Ulysses kung saan 73,000 magsasaka at mangingisda ang apektado.

Habang 109,000 metric tons lost production naman ang naitala sa Cordillera Autonomous Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, at Bicol Region.