-- Advertisements --
Patuloy ang ginagawang assessment ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pinsalang iniwan ng magnitude 6.5 na lindol na tumama sa Eastern Samar nitong hapon.
Sa isang statement, sinabi ni ublic Works Secretary Mark Villar na ang DPWH ay nag-deploy na ng mga teams para mag-assess sa structural integrity at pinsala ng malakas na lindol sa mga imprastraktura sa Region 5, Region 7 at Region 8.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ala-1:37 ng hapon nang niyanig ang Samar ng lindol, na ang epicenter ay naitala siyam na kilometro sa northwest ng bayan ng San Julian.
Una rito, niyanig naman ng magnitude 6.1 na lindol ang Luzon kahapon.