-- Advertisements --

Nasa P2.5 M na ang halaga ng pinsala sa Agri sector dulot ng tumamang Magnitude 7.4 na lindol sa Surigao del Sur noong Sabado.

Matatandaan na nagsagawa ng inisyal na assessment ang DA Regional Field office ng CARAGA para sa kaligtasan ng lahat.

Batay sa assessment, may mga natukoy na pinsala sa ilang kagamitan sa laboratoryo ng DA production facilities at stock lines mula sa seaweed farms.

Patuloy pa rin ang pakikipagugnayan ng DA sa Butuan LGU sa pagsusuri pa sa iba pang sakop ng agri sector at pati na rin ang mga ilalaang tulong para sa mga naapektuhang magsasaka at mangingisda sa naturang lugar.