-- Advertisements --

KORONADAL CITY — Umabot na sa higit 200 tonelada ng isdang tilapia ang namatay dahil sa malawakang fish kill sa Lake Sebu, South Cotabato.

Ito ay ayon sa pinakabagong datos na inilabas ng LGU-Lake Sebu.

Nasa mahigit P20 million na umano ang pinsalang iniwan ng fish kill dahil sa kamahong o pagbaba ng oxygen level sa main lake ng bayan.

Ayon kay Mayor Floro Gandam, nasa mahigit sa 1,000 na fish cages ang apektado ng fish kill mula sa tatlong barangay ng Bacdulong, T’kunel at Poblacion.

Kinumpirma din ni Gandam na 250 na mga mangingisda at 45 fish cage operators mula sa walong sitio ng tatlong barangay ang apektado.

Dahil sa fishkill, ilan sa mga fish cages operators ang agad nagsagawa ng emergency harvest na umaabot sa 6.3 metric tones ng tilapia upang maiwasan ang labis na pagkalugi.