-- Advertisements --
Patuloy ang ginagawang paglilinis ng mga otoridad sa California matapos ang naganap na oil spill.
Tinatayang nasa 126,000 na galon ang kumalat sa 13 square miles matapos ang pagkatagas ng oil rig pipeline.
Dahi dito ay maraming mga isda at ibon ang namatay na inanod sa gilid ng Huntington Beach.
Sinabi ni Orange County supervisor Katrina Foley na lubhang nakakasira sa kalikasan ang nasabing oil spill.
Mula sa pagtagas ng Elly oil rig mula sa Huntington Beach Pier hanggang Newport Beach.
Dahil dito ay isinara na nila at pinagbabawalan ang mga tao na maligo sa karagatan hanggang hindi pa tuluyang natatanggal ang nasabing tumagas na langis.