Umabot na sa 25,145 magsasaka at mangingisda ang naapaketuhan sa nagpapatuloy na pagtagas ng langis mula sa lumubog na Terranova tanker sa Manila Bay.
Bagamat lumubog ang naturang tanker sa katubigang sakop ng Bataan, umabot na ang tumagas na langis sa karagatan ng Calabarzon Region kung saan ang Cavite ang nagtala ng pinakamalaking epekto. Batay sa report ng Office of Civil Defense (OCD), umabot na ito sa isang bilyong piso.
Sa kasalukuyan, ilang mga katubigan na ng Cavite ang idineklara bilang no-catch zone para sa mga isda ang mga shellfish.
Ang naturang probinsya ay isinailalim na rin sa state of calamity.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), nagsagawa na ito ng sample testing sa mga nahuhuling isda sa naturang probinsya at hinihintay ang resulta ng naturang pag-aaral.