TUGUEGARAO CITY – Pumalo na sa mahigit P386-milyon ang halaga ng nasira sa sektor ng agrikultura dahil sa naranasang malawakang pagbaha sa probinsiya ng Cagayan.
Ayon kay Airein Reyno ng Office of the Civil Defense (OCD), maraming pananim na palay at mais ng mga magsasaka ang nasira.
Mahigit P1-bilyon naman ang nasira sa infrastructure, partikular sa irrigation facilities.
Bukod dito, 40 kabahayan din ang kanilang naitalang totally damaged habang isa ang partially damaged.
Samantala, sinabi ni Reyno na nasa 25,000 pamilya mula sa 206 barangay at 16 na bayan ang naging apektado ng pagbaha.
Sa casualties, sinabi ni Reyno na apat ang kataong namatay nguit kanila pa itong biniberipika kung related sa pagbaha ang kanilang pagkamatay habang patuloy ang paghahanap sa isang nawawala na mula sa bayan ng Peñablanca.
Sa ngayon aniya, na nakaalerto ang kanilang hanay dahil sa posibleng pagtama ng Bagyon Ramon sa rehiyon.