-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Umabot sa 14-million pesos ang danyos sa sektor sa agrikultura sa rehiyon sa Caraga dahil sa halos dalawang linggong pag-ulan na hatid sa shearline.

Ayon kay Melody Guimary, Field Operations Division Chief sa Department of Agriculture o DA-Caraga, na posibleng tataas pa ang nasabing halaga kung may mga local government units na mag-submit ng kanilang report.

Ito ay dahil iilang mga LGU pa lamang na galing sa Surigao Del Sur at Agusan Del Sur ang nagsubmit ng pinsala sa kanilang opisina. Base sa ginawang validation, aabot sa 1,153 hectares ng palayan, maisan at mga gulayan ang apektado sa pagbaha.

Sa livestock naman ay kaunti lamang umano ang napinsala lalo na sa poultry.

Sa ngayon ay patuloy na tatanggap ang ahensiya ng reports upang kanilang maipadala sa central office para sa planong rehabilitasyon.

Ngunit inihayag ng opisyal na may mga magsasaka nang nabigyan ng seeds upang muling makatanim lalo na ngayong mas maganda na ang panahon.