Umabot na sa mahigit P1.5 billion ang kabuuang halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura na dulot ng mga pag-ulan at pagbaha mula noong Enero 1, ayon sa datos ng , Office of Civil Defense (OCD).
Sa pinakahuling disaster bulletin, inihayag ng Office of Civil Defense na ang painsala ay kinabibilangan ng P1.5 bilyon sa agrikultura at P521.91 milyon naman sa imprastraktura.
Nasa 1,888 na bahay ang nasira habang 497,273 pamilya o mahigit dalawang milyong katao ang naapektuhan na dulot ng masamang lagay ng panahon.
Kaugnay niyan, nakapagpadala pa ang Armed Forces of the Philippines ng karagdagang 358 tonelada ng relief good para sa mga biktimang nasalanta.
Una rito, idineklara ang state of calamity sa 85 lungsod at munisipalidad sa naturang lugar.