Umabot na sa P12 bilyon ang pinagsama-samang pinsala sa agrikultura at imprastraktura dulot ng Bagyong Egay at Falcon at ang habagat.
Ayon sa NDRRMC, ang pinsala sa agrikultura ay nasa P5.9 bilyon sa Ilocos region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), at Cordillera region.
Tinatayang nasa P6.8 bilyon naman ang pinsala sa imprastraktura sa nasabing mga rehiyon.
Humigit-kumulang 81,371 bahay ang naiulat na nasira sa 12 rehiyon sa buong bansa.
Dagdag dito, ang bilang ng mga nasawi ay nanatili sa 30, kung saan 12 ang kumpirmadong sa kasalukuyan.
Ayon sa NDRRMC, ang mga ulat ng siyam na nawawalang indibidwal ay sumasailalim pa rin sa confirmation at verification.
Una na rito, humigit-kumulang 1,366,489 pamilya o 5,357,470 indibidwal ang naiulat na apektado ng sama ng panahon sa buong bansa.