-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Inihayag ni Alexis Cabardo, tagapagsalita ng provincial government sa Agusan Del Sur na umabot na sa 3.2 million pesos ang danyos sa imprastraktura habang 91-million pesos naman sa livestock at agriculture dahil sa pagbaha sa Agusan Del Sur na hatid sa walang humpay na pag-ulan dala sa shearline.
Ayon kay Cabardo na 38 barangay ang apektado sa pagbaha kungsaan 6,560 pamilya rin o 26,687 indibidwal ang na-apektuhan.
Sa nasabing bilang, 7,700 indibidwal ang nagsilikad sa evacuation center.
May mga nanatili pa rin sa evacuation center kahit nahumuhupa na sa ngayon ang baha sa ilang parte ng probinsiya dhail sa inaasahang maraming tubig-baha galing sa Davao De Oro at Davao Oriental na babagsak sa Agusan River.