Nasa P885-milyong piso na ang pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa patuloy na pag-ulan bunsod ng mga low pressure area (LPA), shear line at northeast monsoon, ayon sa mga datos ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) sa Huwebes.
Batay sa pinakahuling datos ng ahensya, ang pinsala sa agricultire, sa ngayon, ay nasa P885.1 million mula sa P833 milyon na naitala noong Miyerkules.
Ang pinsala sa imprastraktura naman ay umabot na sa mahigit P539.2 million na higit sa P100 milyon na mas mataas kaysa sa halagang naitala noong araw ng Miyerkules na mahigit sa P430.4 million.
Kaugnay niyan, ang death toll na dulot ng masamang panahon ay sumampa na sa kabuuang bilang na 39.
Mayroong bilang na 1,780 na kabahayan naman ang nasira dahil sa epekto ng masamang panahon sa iba’t ibang lugar sa ating bansa.