Umabot na sa P151.3 milyong halaga ng pinsala at pagkalugi ang naitala sa sektor ng agrikultura kasabay ng patuloy na El Niño phenomenon.
Ang pinakahuling pagtatantya na inilabas ng Department of Agriculture (DA) ay kumpara sa P109.4 milyon na pagkalugi noong katapusan ng Enero, na sumasakop sa 6,618 metrikong tonelada ng palay at mais sa humigit-kumulang 3,291 ektarya.
Ayon sa mga pagtatantya, nasa 3,923 magsasaka sa Western Visayas at Zamboanga Peninsula ang apektado.
Matatandaang, opisyal na inanunsyo ng DOST ang pagsisimula ng El Niño noong Hulyo 2023, kung saan inaasahan ng World Meteorological Organization (WMO) na tatagal ito hanggang sa hindi bababa sa Abril 2024, at ang National Irrigation Administration (NIA) ay nag-project ng 1.5-million metric tons ( MT) na pagkalugi sa palay.
Bilang tugon, sinabi ng DA na gumastos ito ng P1 milyon para sa pagsisikap na magbigay ng tulong sa mga magsasaka kabilang ang pamamahagi ng mga buto ng gulay.
Gayundin ang pagkuha ng mga planting materials para sa mga high-value crops na nangangailangan ng mas kaunting tubig para sa Zamboanga Peninsula.
Sinabi ng DA noong nakaraang Disyembre na nagsimula itong magpatupad ng mga hakbang tulad ng cloud-seeding operations upang mabawasan ang epekto ng dry spell sa produksyon ng pagkain.