-- Advertisements --
NDRRMC

Pumalo na sa mahigit P77M ang kabuuang halaga ng pinsala sa Agrikultura sa Region 10 dulot pa rin ng umiiral ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) batay sa pinakahuling pagtataya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Tinatayang nasa P8,610,000 naman ang kabuuang danyos nito sa imprastraktura.

Kabilang na rito ang siyam na pangunahing kalsada na ngayon ay maaari ng daanan ng mga sasakyan.

Umabot naman sa 143 na kabahayan ang napinsala, ang 75 na kabahayan rito ay malubhang naapektuhan habang ang iba ay bahagya lamang.

Sa kasalukuyan, pumalo na sa 11,065 na pamilya o katumbas ng mahigit 52,209 na individual ang apektado ng pagbaha sa 23 lugar sa naturang rehiyon na humupa naman kalaunanan.

Apat na kaso naman ng landslide ang napaulat habang isa pa lamang ang naitatalang namatay.