-- Advertisements --

CEBU CITY -Tinatayang umabot sa P12.7 million pesos na halaga ng pinsalang iniwan ng dalawang nangyaring sunog nitong lungsod ng Cebu ngayong araw ng Linggo, December 4, 2022.

Unang tumama ang sunog dakong ala 1:44 ng madaling araw sa Sitio Wang-yu, Brgy. Mambaling nitong lungsod at idineklarang fireout alas 3:36 na ng madaling araw.

Sa data na inilabas ng Bureau of Fire Protection, tinatayang aabot sa P3,750,000 ang pinsala sa sunog kung saan apektado ang nasa 550 na indibidwal.

Isa naman ang sugatan na nakilalang si Jhunrey Silio, 23 anyos matapos nagkaroon ng laceration sa kanang paa.

Aabot naman sa 140 ang totally burned na kabahayan at 10 naman ang partially burned.

Makalipas ang siyam na oras naman, tumama naman ang isa pang sunog sa N.Bacalso Ave., Brgy. Basak San Nicolas nitong lungsod kung saan aabot sa P9,000,000 ang pinsala.

Natupok ng apoy ang 3 establisyemento kung saan dalawa ang partially burned at isa naman ang totally burned.

Sa nasabing sunog, apektado ang pitong indibiwal at wala namang napaulat na nasawi o nasugatan sa insidente.