Lumobo sa P1.1 bilyon ang pinsala sa imprastraktura dahil sa magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Surigao del Sur noong Disyembre 2, ayon iyan sa Office of Civil Defense (OCD)
Sinabi ng OCD na 327 na istruktura ang nasira sa Davao region at 798 sa Caraga.
Ang mga tulay, kalsada, paaralan at mga health stations ay kabilang sa mga naapektuhan.
Hindi naman bababa sa 2,536 na bahay ang nasira at lima ang nawasak sa Davao habang 5,419 ang nasira at 333 ang nawasak sa Caraga.
Sinabi ng OCD na patuloy nilang vina-validate pa ang napaulat na pagkamatay ng tatlong indibidwal dahil sa lindol.
Samantala, nakumpirma naman na 12 sa 74 na naiulat na nasugatan.
Mahigit P84 milyon ang naibigay ng gobyerno sa mga biktima ng lindol.
Umabot sa 178,814 pamilya o 720,997 katao ang naapektuhan.
Ang mga aftershocks dulot ng malakas na lindol ay nagpatuloy ng mahigit isang linggo matapos itong tumama, ayon sa mga state seismologist.