-- Advertisements --

Pinsala sa nakaraang lindol sa lalawigan ng Ilocos Sur aabotna sa 600M
Unread post by news.vigan » Wed Aug 03, 2022 12:42 pm

VIGAN CITY – Aabot na sa 600M ang kabuuang damage assessment sa mga nasirang imprastraktura sa lalawigan ng Ilocos Sur isang linggo matapos ang malakas na pagyanig sa Northern Luzon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Ilocos Sur Governor Jerry Singson, inaasahan umano ng kanyang tanggapan na sa mga susunod na araw ay lolobo pa ang nasabing damage assessment na sa ngayon ay nasa 591M dahil patuloy ang isinasagawang pagsuri sa mga imprastraktura sa lalawigan.

Aniya, hindi pa umano kasama sa nasabing damage report ang mga naging pinsala sa ancestral houses at mga simbahan sa lalawigan na lubhang apektado ng nakaraang pagyanig.

Maliban sa mga pinsala sa imprastraktura ipinaalam din ng opisyal na aabot sa 9.9M ang nasira sa sektor ng agrikultura sa lalawigan.

Dagdagpa ng opisyal na anim na put dalawang pamilya nalang ang nasa dalawang evacuation center sa magkaibang bayan matapos makauwi na ang karamihan sa kanikanilang tahanan.

Sa ngayon patuloy ang mga ginagawang hakbang ng gobierno probinsya upang matulungan ang mga residenteng apektado ng nakaraang lindol.