-- Advertisements --
NAGA CITY – Umabot sa tinatayang halos kalahating milyon ang kabuuang pinsala na iniwan ng sunog sa San Jose Elementary School sa bayan ng San Jose, Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay SF02 Joey Villarama ng Bureau of Fire Protection-San Jose, sinabi nitong isang sirang ceiling fan ang pinagmulan ng sunog.
Ayon kay Villarama, inakala umano ng guro ng nasunog na silid-aralan na napatay nito ang ceiling fan hanggang sa nag-overheat at agad na nasunog hanggang sa mabilis na kumalat ang apoy.
Tinatayang umabot ng halos isang oras ang itinagal bago tuluyang naapula ang sunog.
Samantala, wala namang naiulat na nasaktan o nasugatan sa nasabing insidente.