-- Advertisements --

Dumoble pa ang halaga ng iniwang pinsala ng bagyong Agaton sa sektor ng agrikultura sa bansa.

Batay sa ulat mula sa Department of Agriculture tinatayng nasa P423.8 million na ang halaga ng pinsala mula sa P265.2 million na naitala nioong Martes.

Dahil dito, apektado ang nasa mahigit 6000 magsasaka at manguingisda at nasa 10,920 ektarya ng agricultural land.

Samantala, matinding napinsala ang rice crops na nagkakahalag ng P403.5 million, sunod ang corn o mais na ansa P3.2 million.

Sa high value crops naman, ayon sa DA lubos na napinsala ang mga gulay, cacos at prutas na nagkakahalag ng P17.1 million.

Ayon pa sa DA, nasa 20 manok ang naitalang namatay sa Agusan del Norte na nagresulta ng pagkawala ng P5000.