-- Advertisements --

Umakyat na sa P2.6 billion ang halaga ng pinsala sa agrikultura na iniwan ng bagyong Odette at inaasahan pang tataas ang bilang na ito sa mga susunod na araw.

Batay sa latest bulletin mula sa Department of Agriculture, apektado ang nasa 33,899 mula sa rehiyon ng Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao at Caraga.

Nagresuta ito sa production loss na 62,215 metric tons ng produktong pang-agrikultura at 51,182 ektarya ng agricultural areas.

Dinagat island Odette VP Leni

Kabilang sa mga apektadong commodoties ang palay, mais, high value crops, livestock at fisheries.

Kasama rin sa mga napinsala ang agricultural infrastructures, machineries at equipment.

Nasa mahigit sa kalahati naman ang nawala sa rice sector na nasa P1.3 billion na may production loss na 55,774 metric tons mula sa 48,257 ektarya.

Nakapagtala naman ang sektor ng palaisdaan ng P855.6 million na pinsala apektado dito ang nasa 3,544 fisherfolk.

Sa corn sector, pumapalo sa P78.9 million ang nawala.

Tumaas ang production loss ng 5,594 metric tons at naapektuhan ang nasa 2,611 ektarya ng taniman ng mais.

Samu’t saring mga high value crops gaya ng gulay, cacao at taniman ng saging ang nasalanta ng bagyo na nagkakahalaga ng P17.2 million.

Umaabot naman ang pinsala sa irigasyon at agri-facilities ng P4.3 million. Nadamay din ang livestock at poultry na may P3.4 million ang apektado kabilang ang mga alagang manok, baboy, kalabaw at itik.

Samantala, ayon sa DA nakahanda na ang ipapamahagi na P1.75 billion na assistance para sa mga apektadong mangingisda at magsasaka.