-- Advertisements --

Pumalo na ngayon sa mahigit P150.9M na halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa pag-aalburuto ng Bulkang Kanlaon sa isla ng Negros.

Sa eksklusibong panayam ng Star Fm Cebu kay Director Edgar Posadas, spokesperson ng Office of Civil Defense, sinabi nito na sa kanilang latest data as of June 16, nasa 15,511 na pamilya o katumbas ng 49,987 na indibidwal ang apektado ng pagsabog ng bulkan mula sa 23 barangay.

Sinabi pa ni Direktor Posadas na nanatiling nakabukas ang lima mula sa 25 evacuation centers doon kung saan nanunuluyan pa rin ang nasa 833 na pamilya o katumbas ng 2,711 indibidwal.

Dagdag pa nito na may mga taong lumikas pero nanunuluyan sa kanilang kapamilya at mga kaibigan sakop din ng binigyan ng ayuda.

Sa ngayon aniya, nasa kabuuang P29.890 million pesos na halaga ng tulong ang naipamahagi ng pamahalaan sa mga naapektuhang residente.