-- Advertisements --
ILOILO CITY – Umaabot sa P96.4 million ang pinsala sa sektor ng agrikultura sa buong Western Visayas bunsod ng masamang panahon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Engr. Albert Barrogo, director ng Department of Agriculture Region 6, sinabi nito na ang labis na naapektuhan sa Western Visayas ay ang San Carlos City at Cadiz City sa Negros Occidental, Dumalag at Sigma sa Capiz at Dingle at Zarraga sa Iloilo.
Ayon kay Barrogo, umaabot naman sa 2, 686 ang mga apektadong mangingisda at magsasaka sa rehiyon.
Ang pinsala naman anya sa produksyon sa palayan at palaisdaan ay umaabot sa 5,903.19 metriko tonelada.
Sa ngayon anya, tinitingnan pa ng ahensya ang posibleng ayuda na ibibigay sa mga naapektuhan ng masamang panahon.