Sumampa na sa mahigit P10 billion ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura na iniwan ng magkakasunod na bagyong tumama sa bansa base sa datos mula sa Department of Agriculture (DA).
Ayon kay DA spokesperson Arnel De Mesa na grabe ang pinsala ngayon at historic at nakakaranas umano tayo ng extraodinary circumstances
Kabilang sa mga lugar na pinakamatinding tinamaan ng mga nagdaang bagyo ay sa Cagayan Valley, Central Luzon, at Bicol.
Nagmistulang fish pond naman ang mga palayan sa Camaligan, Camarines Sur, at Casiguran, Aurora dahil sa baha.
Malaki rin ang pinsala sa mga pananim sa Balatan, Camarines Sur, at Baggao, Cagayan.
Humiling naman na ang DA ng karagdagang P1 bilyon para matulungan ang mga magsasaka at mangingisda na muling makabangon.