-- Advertisements --

Umabot na sa P1.45 billion ang halaga ng pinsala sa imprastruktura dahil sa bagyong Agaton.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Bureau of Maintenance, iniulat ni Secretary Roger Mercado na sa Eastern Visayas pa lamang pumalo na sa P1.3 billion ang inisyal na halaga ng mga nasira sa sektor ng imprastruktura gaya ng mga kalsada at mga tulay.

Humigit kumulang P6.06 million naman ang nasirang national roads sa Soccksargen habang nasa P145.4 million naman ang halaga ng pinsala sa mga kalsada at tulay sa Caraga.

Samantala, nadadaanan na matapos muling buksan ang nasa 47 mula sa 50 apektadong kalsada sa Western Visayas, Central Visayas at Eastern Visayas.

Nagpapatuloy naman ang clearing operations sa tatlong national road sections sa Leyte at Southern Leyte.

Ayon sa DPWH official, inaasahang muling mabuksan ang mga natitirang mga kalsada na hindi pa madaanan bago magtapos ang buwan ng Abril.