Umaabot na sa P700 million ang halaga ng pinsalang iniwan ng nagdaang magnitude 7.0 na lindol.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), naitala ang pinsala sa Ilocos Region, Cagayan Region, at Cordillera Administrative Region.
Nasa kabuuang P393,188,000 ang halaga ng pinsala na naitala sa pinsala sa Ilocos, P302,763,498.76 sa Cordillera, at P8,540,000 sa Cagayan.
Ayon sa NDRRMC nasa 1.084 istruktura na ang napinsala.
Samantala, umakyat na sa P13,964,476 ang nasira sa sektor ng agrikultura sa Cordillera Adminsitrative Region.
Sa kasulukuyan, umabot na sa kabuuang 24,901 bahay ang napinsala kung saan 24,547 ang partially damaged at 354 totally damaged sa Ilocos, Cagayan, Cordillera, at sa National Capital Region.
Nananatili pa rin sa 10 ang bilang ng nasawi dahil sa lindol habang nasa 394 naman ang nasugatan.