-- Advertisements --
image 204

Iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH)- Eastern Visayas na umakyat na sa P469 million ang halaga ng pinagsamang pinsala ng shaear line at LPA sa sektor ng imprastruktura sa probinsiya ng Northern Samar, Eastern Samar at Samar.

Sa 7 kakalsadahan na nawasak, tinatayang nasa P157 million ang halaga at mayroon ding 10 kalsada pa na nasira na aabot sa P158 million.

Napinsala din ang nasa 12 mga tulay sa Northern Samar na umaabot sa P50.5 million ang halaga kung saan 12 dito ay sa Allen-Catarman road, 3 sa Catarman-Calbayog road, 2 sa Catarman- Laoang road, 1 sa San Roque at 1 sa Palapag.

Nasira din ang mga flood control projects kabilang na dito ang isang proyekto sa Borongan, Eastern Samar at 3 sa Calbayog, Samar na tinatayang nasa P58 million.

Ilan sa nasira sa Catarman, Northern Samar ang struktura na nagkakahalaga ng P15 million at isang shore protection project na umaabot sa P30 million ang halaga.

Sa assessment ng Maintenance Division ng DPWH-eastern visayas, nasa P716.65 million ang kailangan para sa rehabilitasyon at muling pagtatayo ng lahat ng napinsalang pampublikong imprastruktura sa eastern visayas.