Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na pumalo na sa mahigit P15.2 million ang halaga ng pinsalang iniwan ng ilang araw na pananalasa ng bagyong Kristine sa sektor ng imprastruktura.
Karamihan sa mga lugar na nagtamo ng matinding pinsala ang Bicol region na nasa P15 million.
Sa datos din ng ahensiya, nasa 13 katao na ang napaulat na nasawi kabilang ang 11 na naitala sa Bicol region at tig-1 naman sa Central Luzon at CALABARZON.
Ang casualty sa CALABARZON ay nakumpirmang namatay matapos mahulog sa canal sa San Andres, Quezon nitong Martes. Mayroon ding 7 indibidwal ang napaulat na nawawala at 5 ang nasugatan dahil sa bagyo.
Sa datos din ng NDRRMC, nasa mahigit 2.6 million indibidwal o katumbas ng mahigit 500,000 ang apektado sa pananalasa ng bagyo.
Sa kasalukuyan, idineklara na ang state of calamity sa Tagkawayan, Quezon, sa buong probinsiya ng Albay; Bulan, Sorsogon; Magpet, Cotabato; Cavite at sa Quezon city.