-- Advertisements --
ILOILO CITY – Umaabot sa P126 million ang halaga ng pinsala na iniwan ng Bagyo Odette sa sektor ng palaisdaan sa Western Visayas.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Remia Aparri, director ng Bureau of Aquatic Resources (BFAR) Region 6, sinabi nito na karamihan sa mga nasira sa sub-sector ng fishery ay ang mga fish pond at fishing gears.
Apektado anya ang tinatayang 800 na mga mangingisda.
Ang lalawigan ng Negros Occidental ang pinakaapektado na umaabot sa P17 million, P13-million sa Iloilo at Capiz at P104-million naman sa Guimaras.