Naglabas ng report ang Department of Agriculture (DA) Operations Center ukol sa pinsalang dala ng shear line sa ilang bahagi ng ating bansa.
Kabilang sa apektado ay palay, mais, high-value crops, livestock at poultry sa Mimaropa, Western Visayas, Eastern Visayas, Davao at Soccsksargen Regions.
Ang pinsala ay sumasakop sa 3,692 ektarya ng agricultural lands, na may dami ng pagkasira sa produksyon na 472 metriko tonelada at nakaapekto sa hindi bababa sa 1,887 magsasaka.
Pinakamalaking bahagi ng napinsala ng aabot sa 86 percent ay mula sa rice production na may kabuuang P58.44 million.
Ang pagkalugi naman sa mga alagang hayop at manok ay nasa P4.12 million, high-value crops (P2.87 million) at mais (P2.23 million).
Posible pa itong madagdagan sa mga susunod na araw dahil sa nananatiling mga pag-ulan sa ilang parte ng ating bansa.