-- Advertisements --
BOMBO DAGUPAN – Malaki na ang pinsalang idinulot ng pagbaha sa Afghanistan.
Sa panayam kay Joel Tungal, Bombo International News Correspondent, ilang araw na ang nararanasang pag ulan sa maraming lugar sa bansa.
Pinakaapektado aniya ang probinsya ng Nangarhar na nagtala na ng 20 patay.
Sinabi ni Tungal na kaya madaling masira ang halos kabahayan doon dahil gawa sa lupa.
Sa kabuoan aabot na 95 katao na ang nasawi at marami ang nasugatan sa naganap na flash flood doon.
Nagmula sa 10 probinsya ang mga nasawi kung saan maraming mga katao ang nasugatan.