-- Advertisements --
image 301

Umabot na sa P1.77billion ang halaga ng pinsalang inabot ng mga paaralan dahil sa naging pananalasa ng supertyphoon egay, falcon, at habagat.

Batay sa datus ng Department of Education, 479 na mga silid-aralan ang nakitaan ng mga bitak, nasira, at nawasak, mula sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Kinabibilangan ito ng mga rehiyon ng CAR, 1, 2, 3, 4a, 4b, 5, 8.

Maliban sa mga nasirang silid aralan, marami rin ang ginamit bilang evacuation center kung saan sa kasalukuyan ay mayroon pang pitong silid aralan ang ginagamit mula sa car, 1, 2, 3, at 6.

Ayon kay VP at Education Sec. Sara Duterte, ipapatupad na lamang ang blended learning sa mga paaralan na hindi pa kaagad magagamit, kasabay ng pagbubukas ng pasukan sa mga susunod na linggo.

Ilan pa kasi aniya sa mga paaralan ang kasalukuyang sumasailalim sa pagkukumpuni habang ang iba ay kailangan nang palitan ng mga bagnong building.

Tiniyak naman ng kalihim na hindi nila hahayaang maging sagabal ang mga nasirang paaralan para sa pagpapatuloy ng edukasyon ng mga kabataan.