-- Advertisements --
Lumagpas na sa P2.2 billion ang halaga ng pinsalang iniwan ng bagyong Enteng sa sektor ng pagsasaka, batay sa pinakahuling report ng Department of Agriculture.
Ang naturang halaga ay mula sa mga sakahan sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region gayundin sa Western at Eastern Visayas.
Naka-apekto ito sa kabuuang 59,669 magsasaka na nagtatanim ng mais, palay, high value crops, at mga nag-aalaga ng mga livestock at manukan.
Tiniyak naman ng DA na mayroong nakahandang tulong na ipapamahagi sa mga magsasaka sa tulong ng P202.8 million na halaga ng mga ayuda.
Ang mga ito ay ipapadala sa mga apektadong rehiyon, para agad magamit ng mga magsasaka sa kanilang pagbangon mula sa epekto ng bagyo.