Umaabot na sa P895 million ang halaga ng danyos o pinsala na iniwan ng Bagyong Goring at mga pag-ulang dulot ng habagat sa sektor ng imprastraktura sa buong bansa.
Ito ay batay sa pinakahuling ulat na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa datus ng naturang konseho, umaabot sa 126 ang bilang ng mga public infrastracture na naapektuhan mula sa ibat ibang mga rehiyon.
Kinabibilangan ito ng Ilocos Region, Cagayan Valley, MIMAROPA, Western Visayas at Cordillera Administrative Region (CAR).
Pangunahin sa mga naapektuhan ay ang mga kalsada at flood control project, kasama na ang mga nasira at nawasak na public buildings, at mga tulay.
Samantala, umaabot na rin sa 1,544 na kabahayan sa buong bansa ang nakumpirmang nasira dahil pa rin sa magkakasunod na kalamidad.
Sa naturang bilang, 1.279 dito ay partially damaged habang 265 dito ay totally damaged houses.