-- Advertisements --

Aabot na sa P3.1 billion halaga ng pinsala ang iniwan ng Bagyong Odette sa  crop sector nang hagupitin nito ang Visayas at Mindanao kamakailan.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), hanggang kaninang alas-12:00 ng tanghali ang datos na ito.

Ito ay P500 million na mas mataas kumpara sa P2.6-billion halaga ng pinsalang nailatala noon lamang Disyembre 22.

Pumapalo na kasi aniya sa 90,316 metric tons ang production loss at 65,432 hectares ng agricultural areas sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao at Caraga ang apektado ng nagdaang bagyo.

Nabatid na 39,372 magsasaka at mangingisda ang apektado, ayon sa DA.

Kabilang sa mga commodities na apektado ay bigas, mais, high value crops, livestock, at fisheries.

May naitala ring pinsala sa mga agricultural infrastructures, machineries, at equipment.