-- Advertisements --
image 148

Umabot na sa P4.66billion ang halaga ng pinsalang iniwan ng magkakasunod na kalamidad sa sektor ng Agrikultura.

Ang nasabing halaga ay naitala sa sampung rehiyon sa buong bansa na kinabibilangan ng 200,000 ektarya ng mga pananim.

Tinatayang umaabot ito ng hanggang sa 158,995 metrikong tonelada ng produksyon na nasira o nawala.

Kinabibilangan ito ng mga pananim na palay, mais, high value crops, livestock, poultry at maging sa fishery sector.

nananatili namang pinakamalaki sa mga pinsala ay naitala sa rice industry na umaabot sa 114,735 ektarya ng taniman. Napinsala naman ang 83,596 hectares na maisan sa malaking bahagi ng bansa.

Sa kasalukuyan, natukoy ng Department of Agriculture na apektado ang hanggang 187,225 na magsasaka at mga mangingisda sa buong bansa.

Samantala, patuloy naman ang field validation ng Department of Agriculture ukol pa rin sa pinsala ng mga nasabing kalamidad sa sektor ng pagsasaka, kayat inaasahang lalo pang tataas ang naitalang pinsala.