-- Advertisements --

Umabot sa P1.9 million ang iniwang pinsala ng sunog sa apartment building sa Barangay New Zaniga Mandaluyong kahapon nang alas-12 ng madaling araw noong linggo, Oktubre 27.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) nag umpisa ang sunog sa unahan ng second floor habang may anim na unit ang dalawang palapag na apartment.

Mabilis kumalat aniya ang sunog dahil gawa sa light materials ang naturang gusali.

Itinaas sa first alarm ang sunog ng 12:47 a.m. at Idineklara ang fire out ng 1:50 a.m.

Patukoy naman iniimbestigahan ng BFP ang dahilan ng naturang sunog.