-- Advertisements --
image 16

Pumalo na sa P1.94billion ang pinsalang iniwan ng Supertyphoon Egay sa sektor ng Agrikultura.

Ito ay batay sa pinakahuling validated reports mula sa Department of Agriculture – DRRM Operations Center.

Umabot na sa 123, 274 na magsasaka ang apektado, na may kabuuang sinasakang 147,063 ektarya ng mga sakahan na binubuo ng mga palayan, maisan, at taniman ng mga HVCC.

Batay pa sa report, naitala ang hanggang sa 86,975 metriko tonelada ng mga pananim na nasira sa nasabing kalamidad.

Malaking nahagi rin ng nasabing report ay dahil sa epekto ng supertyphoon sa sektor ng paghahayupan at pangisdaan.

Sa kasalukuyan, patuloy ding isinasagawa ang assesment sa mga agricultural machineries at iba pang istrakturang pang-agrikultura na naapektuhan din sa nasabing kalamidad.

Inaasahang lalo pang tataas ang nasbaing halaga, habang nagpapatuloy pa rin ang validation na ginagawa ng field officers ng Kagawaran ng Pagsasaka.