-- Advertisements --

Pinangalanan na ng Oman ang bago nilang pinuno ilang oras matapos nilang ianunsyo ang pagkamatay ni Sultan Qaboos bin Said.

Sa ulat ng kanilang state media, uupo bilang bagong lider ng Oman at pinsan ni Qaboos na si Haitham bin Tariq al-Said.

Nakapanumpa na rin si Haitam, na dati ring culture minister ng Oman, sa harap ng ruling family council.

Si Sultan Qaboos ay sumakabilang-buhay sa edad na 79 na hindi kasal kaya walang tagapagmana, at hindi rin nagtalaga ng magiging kapalit noong nabubuhay pa.

Marami rin ang nagbigay-pugay sa namayapang sultan, kabilang na si dating US President George W. Bush.

Sa pahayag ni Bush, inilarawan nito si Qaboos bilang isang “stable force” sa Gitnang Silangan, at isa sa importanteng kaalyado ng Estados Unidos.

Halos 50 taon nanilbihan ang namayapang sultan at kinikilala bilang “longest serving leader in the Arab world.” (Al Jazeera)